RSS

Tulo

Tulo…

Marami nang tinamaan nito sa lugar namin.

Lalake at babae.

Matanda.

At kahit pa nga bata tinamaan din.

May mga gumawa ng paraan para umiwas pero tinamaan pa rin.

Kahit pa yung may saplot tinamaan.

Tulo…

Sinubukan ko rin mag-ingat.

Umiwas ako.

Pero….

…tinamaan pa rin ako.

Nakakabadtrip.

BAKIT BA KASI GINAGAWANG SAMPAYAN ANG MGA KABLE SA GITNA KALYE!?!?!

Advertisements
 
6 Comments

Posted by on April 17, 2013 in Trip Lang

 

Papatayin ka ng sigarilyo…weh?

Smoking Kills

Mr. McLaren, a rodeo rider, actor and Hollywood stuntman, was one of several dozen models hired in 1975 to appear in Marlboro ads, evoking a tough and handsome smoker’s image for the brand.

Wayne McLaren, a former “Marlboro Man” who developed lung cancer and became an anti-smoking crusader, died at the age of 51.

“Some of his last words were: `Take care of the children. Tobacco will kill you, and I am living proof of it,’.

Source: Trivia Mania, Nov. 7,2012

Smoking Kills daw…

Tobacco will kill you daw…

May nakita ka na bang nagsigarilyo ng isang stick tapos mayamaya patay na?

Ako kasi wala pa.

Hindi naman kasi talaga yung sigarilyo o tabako ang pupumatay sa tao kundi ang sarili niya. Ang tao ang gumagawa ng habit niya, ng smoking habit niya. Kakailanganin ng maraming sigarilyo sa loob ng mahabang panahon bago ka magkaroon ng lung cancer.

Yung mga dating chain smoker na nagsasabing “Papatayin ka ng sigarilyo” dahil tinamaan sila ng kanser sa baga ay mga iresponsableng tao. Maanong aminin na lang na adik siya sa sigarilyo kaya siya nagkaroon ng kanser sa baga.

Kung halimbawang diabetic ka, sisisihin mo ba ang asukal sa pagkakaroon mo ng diabetes? Di ba kadalasan ng nagkakaroon ng diabetes e mahilig sa matatamis? (Ibang kaso syempre yung namana). Sinong responsable? Yung asukal?

Ganun din sa kaso ng mga naninigarilyo.

Sino ba kasing nagsabi na dapat minu-minuto may napasalpak na sigarilyo sa bunganga mo? Wala.

Sinabi ba ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation na minu-minuto kang manigarilyo? Hindi.

Kasi sariling desisyon yan ng isang tao kung kailan siya maninigarilyo o kailan hindi.

Minsan may kakilala akong cigarette smoker. Tumigil na siya noon sa paninigarilyo. Pero kamakailan lang nakita ko siya ulit na naninigarilyo. Tinanong ko siya, “Di ba tumigil ka na sa paninigarilyo?”. Sumagot siya, “Oo, kanina tumigil ako, tinapon ko pa nga yung sigarilyo eh.” Pag nagkasakit ba siya, kasalanan ba yun ng sigarilyo? Syempre hindi. Kasi siya naman ang gumawa nun sa sarili niya eh.

Sa kaso naman ni Mr. McLaren, kinuha kasi siya ng Marlboro na magpatalastas ng kanilang produkto. E kailangan ba talaga pag magpapatalastas ka ng produkto e minu-minuto tinatangkilik mo? Maraming artista nagpapatastas ng kung anu-anong produkto pero hindi palaging yuon ang kinakain, iniinom, isinusuot o ginagamit (depende kung anong produkto yun) nila.

Ang problema, masyado niyang pinangatawanan yung pagpapatalastas ng produkto.

(Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mr. McLaren)

Mabuting ‘wag ka nang manigarilyo.

Kaya lang kung maninigarilyo ka siguraduhin mong responsable ka sa sarili mong desisyon. Hindi yung maghahanap ka ng sisisihin mo pagdating ng araw.

(Isinulat ni Berto, sa saliw ng umuusok na tabako sa ‘king pipa, na walang ibang responsable kundi ako. I don’t smoke cigarettes, YUCK!)

**************************

Ibang article na may kinalaman sa smoking:
Kristiyanong Smoker

 
Leave a comment

Posted by on March 22, 2013 in Cigarette Smoking

 

Estupidyante

Tulad ng araw-araw niyang ginagawa, maagang gumising si Kristoffer para maghanda sa pagpasok sa paaralan. Nag-aaral siya ng kursong engineering sa isang sikat na university sa Maynila. Hindi naman talaga malayo ang bahay nila sa pinapasukan niyang universtiy. Gumigising lang talaga siya ng maaga para mayroon siyang mahabang oras sa paghahanda. Lalo na sa pag-aayos (pagggugulo) ng buhok niyang nalulunod sa wax.

Ginawa niya ang araw-araw na ginagawa niya bilang paghahanda sa pagpasok sa paaralan. Kumain ng agahan, naligo, nagsepilyo, nagpabango…at syempre, naglagay ng wax sa buhok at inayos (ginulo?) ito.

Araw-araw din na makintab ang sapatos niya na gabi-gabi niyang nililinisan kahit walang pasok kinabukasan para naman (daw) maging kagalang-galang siya. Hindi pa man kasi siya nakakatapos ng kursong engineering, engineer na ang tingin niya sa sarili niya. At kahit hindi man magsalita, halata sa kilos at galaw niya na ipinagmamalaki niya ang kursong kinukuha niya..at ang sikat na university na pinapasukan niya.

At syempre, sinuot niya ang kanyang itim na islaks na pantalon, at polong plantsado na may patch ng sikat na university na pinapasukan niya.

Suot ang kanyang bag at ID, bitbit ang kanyang T-square at tube na lalagyan ng plates, lumabas siya ng kanilang bahay.

Sa paglalakad niya sa kanilang lugar,papunta sa sakayan ng jeepney marami ang tumitingin sa kanya. Dahil bagong lipat lang sa lugar, wala pa siyang masyadong kakilala at ka-close sa lugar kaya wala siyang binabati…at wala rin namang bumabati sa kanya. Tinitignan lang siya. At dahil gusto niyang ipagmalaki na engineering ang kurso niya at nag-aaral siya sa isang sikat na university sa Maynila, mas matikas pa ang ginawa niyang paglalakad.

“Edukado akong tao”, sa isip-isip niya.

Pero nakatingin lang sa kanya ang mga kapitbahay niya na nadaanan niya…

…at tumawa nung nakalayo na siya.

Sa jeepney. Matanda na ang driver. Kakaunti lang silang pasahero. At walang estudyante ng anumang paaralan siyang nakasakay.

Nasa dulo siya ng jeepney nakapwesto. Hulihang bahagi ng sasakyan.

“Manong, bayad po”, sabi ni Kristoffer sabay abot ng sampung piso na iniabot naman sa driver ng isang aleng kasakay niya.

“Eto sukli oh! Pakiabot na lang po!”, sabi naman ng mamang driver. At iniabot naman ulit ng ale kay Kristoffer ang dalawang pisong sukli.

“Manong, estudyante lang po yung sampu”, sabi ni Kristoffer.

Patuloy lang sa pagmamaneho ang driver na di yata narinig ang kanyang sinabi. Di rin naman pinansin ng ibang pasahero ang sinabi niya. Nagsimula nang uminit ang ulo niya pero naghintay pa siya ng ilang sandali  bago ulitin…”Manong, estudyante lang po yung sampu. Kulang pa ho ng piso.”

Pero patuloy pa rin ang mamang driver sa pagmamaneho.

Dumating siya sa destinasyon na bababaan niya. At tiyempo namang nagsibabaan din ang lahat ng pasaherong kasakay niya sa jeepney.

Dito nagsalita na si Kristoffer, malakas ang boses, “Putang ina naman manong, di niyo ba nahahalatang estudyante ako?!?! Nakauniporme ako oh! May ID at Bag ako! Di ba obvious na estudyante ako? Tang-ina kanina pa ako sigaw ng sigaw na kulang yung sukli e. Style ninyong mga driver bulok. Kunwari di naririnig ang pasahero. Putang ina! Pweh!”

Nilingon siya ng pobreng driver. Ibinigay kay Kristoffer ang pisong kulang sa sukli niya. Para wala nang argumento, para matapos lang ‘to.

Bumaba si Kristoffer na mainit ang ulo. Pabulong-bulong, pamura-mura. Salita ng salita sa sarili niya.

“Putang ina! Buwisit! Alam nang estudyante ako eh, kulang ang isusukli. Akala niya maiisahan niya ako. E nilalaro ko lang ang Mathematics. ‘Tang inang yan! Engineer ‘to! Di niya ko pwedeng gaguhin. Putang ina, matanda na di pa marunong magbilang.”

At marami pang ibang salita na hawig niyan.

Pagdating niya sa sikat na university sa Maynila na pinapasukan niya…

“Bakit sarado ang school?”, nagtatakang tanong ni Kristoffer sa gwardiya na di niya alintana ang laki ng agwat ng edad sa kanya.

“Boss, HOLIDAY HO NGAYON”. Sagot ng gwardiya.

Napalunok si Kristoffer at pinagpawisan ng malamig. Nagbalik sa kanyang alaala lahat ng nangyari kanina at napabulong ng…

“Nawala sa isip ko na….”


(Gawa-gawa ni Berto, Marso 7, 2013…..subok lang, nangangarap maging manunulat eh.)

 
7 Comments

Posted by on March 7, 2013 in (Parang) Maikling Kwento

 

May bf/gf ka na ba?

“May bf ka na ba?”

Kadalasan kapag nagtatanong ng ganito ang lalake, iniisip ng tinatanong na babae na may intensyon ang nagtatanong na ligawan siya.

Minsan ang intensyonlang naman ng pagtatanong e para malaman kung paano siya makikitungo duon sa babae.

Pero dahil ayaw ng lalakeng mapagkamalang may intensyon siyang manligaw hindi na lang siya magtatanong.

Yung babae naman, gusto din magtanong kung may gf na si lalake, pero nahihiyang magtanong dahil baka mapagkamalang may gusto siya kay lalake. Kaya hindi na lang nagtanong.

Lumipas ang mga panahon nagkahulugan ang loob nila at naging sweet sa isa’t isa.

Lumipas din ang mga panahon at nagkaalaman na may karelasyon pala ang isa’t isa.

At sila’y nagsisihan.

“BAKIT HINDI MO SINABING MAY BF/GF KA?”

Ang sagot ng sinisisi?

“HINDI MO NAMAN KASI ITINANONG.”

Ayan kasi..

MAGTATANONG NA DAPAT SA SIMULA PA LANG PARA SIGURADO. 

 
Leave a comment

Posted by on January 18, 2013 in Uncategorized

 

Kristiyanong Smoker

Mga gamit ko sa pag-iisip at pagsusulat ng mga article

Mga gamit ko sa pag-iisip at pagsusulat ng mga article

Isa sa mga the best na apatnapu’t limang minuto ng buhay ko eh yung nagi-smoke ako ng tabako sa aking pipa habang umiinom ng kape o kaya tsaa.

Kung minsan naman, hand rolled cigar ang ini-smoke ko habang umiinom ng matapang na kape.

Hay…sarap…

Pero may mga nagtatanong sa akin, nagtataka. Bakit daw ako nagi-smoke ng tabako e may pagkarelihiyoso(?) akong tao.

Para naman maipaliwanag ko kung bakit, ginawa ko ang article na ito.

Kasalanan ba ang pagi-smoke?

The virtue of temperance disposes us to avoid every kind of excess: the abuse of food, alcohol, tobacco, or medicine. Those incur grave guilt who, by drunkenness or a love of speed, endanger their own and others’ safety on the road, at sea, or in the air. (Catechism of the Catholic Church #2290)

Walang itinuturo ang Simbahan at tahimik din ang Biblia na kasalanan ang pagi-smoke.

Ang kasalanan ay ang SOBRA SOBRANG PAGGAMIT NITO. Bisyo (vice) na ang tawag dun. Yun ang masama.

Kahit ano namang sobra e masama. Di ko nga maintindihan kung bakit sinasabi ng marami na kasalanan daw ang mag-smoke DAHIL nakakasira ng katawan, pero yung mga taong nagsasabi din nun e anlalakas kumain ng makolesterol na pagkain na nakaka-highblood at nakaka-stroke (pag sobra) at anlalakas kumain ng matatamis na pagkain tulad ng tsokolate na nakaka-diabetes (pag sobra).

Edi ibig sabihin pala e kasalanan din kumain ng makolesterol, maalat, matamis?

Kung bibilang ng mga 3 hanggang 5 henerasyon pabalik, ang pagi-smoke at pagnguya ng tabako ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao noon. At hindi ito tinitignan na kasalanan. Sina lolo at lola na madasalin ay madalas na may nakasubong tabako sa bibig.

Noon yun, noong hindi pa talamak ang pre-marital sex, live-in etc. Panahon nina lolo at lola.

Ngayon, sinasabing kasalanan daw ang pagi-smoke dahil nakakasira ng katawan at kasabay nito ang pagdami ng kaso ng mga nabanggit sa itaas.

Hehe…walang kinalaman ang tabako sa pagdami ng nagli-live-in, nagpe-premarital sex etc. Ikinumpara ko lang yung panahon noon (na hindi tinitignan na kasalanan ang pananabako) at panahon ngayon (na sinasabing kasalanan daw ang pananabako)

Wag sisihin ang dahon. haha!

Bakit ako nagi-smoke?
Simple lang ang sagot. Masarap eh. Wala naman sinabi sa Biblia na bawal kang masarapan. Na ang masarap ay kasalanan.

1 Cor. 10:23 “Everything is permissible, but not everything is beneficial”. So, permissible ito, and I think it is beneficial, kasi pleasureable. Again, ang masama ay ang SOBRANG PAGGAMIT NITO.

Bukod doon, nakakarelax. Natutulungan akong mag-isip lalo ng malalim.

Karamihan sa mga articles na isinulat ko sa kabilang blog eh naglaro sa isip ko at naisulat sa papel habang nagpapa-usok ako.

Pipe/Cigar Smoking vs. Cigarette
Bakit pinili kong Pipe o Cigar ang i-smoke at hindi cigaratte? Ang cigar kasi purong tinuyong dahon tabako na inirolyo gamit ang kamay. Ang Pipe Tobacco naman ay purong tinuyong dahon tabako rin pero hiniwa-hiwa sa maliit na piraso para malagay sa pipa.

Ang sigarilyo, machine-made tapos meron pang inilalagay na kemikal dito tulad ng Benzene (na meron din sa mga pesticides at gasolina), Formaldehyde (na ginagamit sa page-embalsamo, kung gusto mong maembalsamo ng maaga, manigarilyo ka, hahaha!), Pesticides (di ka naman siguro halaman para kailanganin ito sa katawan mo), Vinyl Chloride (ginagamit sa paggawa ng plastic)

at ang pinakamalupet…

Hydrogen Cyanide na ginamit sa Gas Chambers noon Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagpatay ng milyon-milyong tao. Kaya kapag nagsisigarilyo ka para kang nasa Gas Chamber.

Ganda di ba? Ine-embalsamo ka na (Formaldehyde), tinatanggal ang mga peste sa katawan mo (Pesticide) tapos gina-Gas Chamber ka pa (Hydrogen Cyanide). Ano pang hinihintay mo, smoke na ng sigarilyo. Hahaha!

Yung Nicotine, meron niyan pare-pareho (pipe tobacco, cigar at cigarette), kasi natural sa tabako ang meron niyan.

Ang nicotine ay ginagamit na pamparelax. ‘Wag nga lang sosobra ang smoking ng Pipe at Cigar para di magka-cancer.

Magkaiba rin ang paraan ng paghithit ng sigarilyo, pipe tobacco at cigar. Ang sigarilyo kapag hinithit pinaaabot sa baga ng smoker, sa pipe at cigar hindi mo pwedeng gawin yun kasi uubuhin ka na parang tanga kapag ginawa mo yun.

Kaya hindi nakakapagtaka na bihira (o halos wala) ang nagkaka-lung cancer noong panahon nila lolo at lola kasi hanggang bibig lang ang usok ng tabako. (Idagdag mo pa yun pagiging mapolusyon ngayon dahil sa mga sasakyan at factory). Hindi pinapasok sa baga. Tinitikman lang naman kasi ang usok nun. At ang pleasure nasa bibig, wala sa baga.

Pipe/Cigar at E-Cigarette
May bagong sumisikat ngayon. Yung E-Cigarette. Di pa ako nakasubok pero kapag nakakakita ako ng gumagami nito naalala ko yung mga gumagamit ng Nebulizer (yung mga hinihika) hehe. Vape ang lumalabas dito, hindi usok. Kasi yung likido na inilalagay dito e nage-evaporate kapag pinipindot yung button kapag humihithit ang smoker (vaper).

Ang problema kasing nakikita ko dito e dahil bagong labas hindi pa alam ng syensya ang maidudulot nito sa kalusugan ng gumagamit. Buti yung Pipe at Cigar smoking alam ng syensya na kapag SOBRA (sa pipa, mga 4-5 bowls everyday, sa cigar mga 4-5 cigars everyday) e nakaka-cancer, kaya pwedeng konti lang. E yung E-Cigar hindi pa alam kung makakasama ba kapag sobra (o kahit konti) ang paggamit nito. Bukod dun, ang paghithit nito parang sigarilyo din, umaabot sa baga.

Mga Kristiyanong Pipe/Cigar Smoker
‘Wag niyong tingnan ang mga smokers na parang sila pinakamasasamang tao sa mundo. May mga Kristiyano din na tinitingala ng mga non-smokers sa kanilang mga isinulat at pamumuhay.

Unahin ko na ang isa sa mga paborito ko…

J.R.R. Tolkien,  Author of "The Hobbit" and "The Lord of the Rings"

J.R.R. Tolkien, Author of “The Hobbit” and “The Lord of the Rings”

Si J.R.R. Tolkien. Isang Katoliko. Isa siya sa mga tumulong kay C.S. Lewis na ma-convert from Atheist to Christian. Bago mo sabihing makasalanan ang mga smokers, mag-convert ka muna ng Atheist sa pagiging Kristiyano. Hehe.

Sa mga isinulat ni Tolkien makikita rin ang pagiging pipe smoker niya. Sa “The Hobbit” si Bilbo at Gandalf (pati yata si Thorin) e nagi-smoke ng pipe. Payabangan pa gumawa ng smoke rings. Sa “The Lord of the Rings” si Frodo, Sam, Pipin at Merry (mga bida) e pipe smokers, si Aragorn a.k.a. Strider smoker din. At maski ang kontrabidang si Saruman the White (dati) e smoker din. Hinakot lahat ng tabako mula sa Hobbiton papunta sa Orthanc. Hehe. Swapang.

Next…

C.S. Lewis, Author of  "The Chronicles of Narnia"

C.S. Lewis, Author of “The Chronicles of Narnia”

C.S. Lewis, isang Anglican. Dating Atheist na na-convert sa Christianity. Malaki ang naitulong ni J.R.R. Tolkien sa kanya para maging Kristiyano siya. At maraming protestante ang hanggang hanga sa kanya, sa kanyang mga isinulat tungkol sa pananampalatayang Kristiyano. Ilan sa mga isinulat niya ay ang “Mere Christianity”, “Miracle” at “The Problem of Pain.

Next…

Charles Spurgeon, isang Calvinist. Walang picture pero merong letter about sa kanyang Cigar smoking…

Sa kanya nagsimula yung phrase na “smoking to the glory of God”.

To the Editor of the Daily Telegraph.
SIR,

YOU cannot regret more than I do the occasion which produced the unpremeditated remarks to which you refer. I would, however, remind you that I am not responsible for the accuracy of newspaper reports, nor do I admit that they are a full and fair representation of what I said. I am described as rising with a twinkling eye, and this at once suggested that I spoke flippantly; but indeed, I did nothing of the kind. I was rather too much in earnest than too little.
I demur altogether and most positively to the statement that to smoke tobacco is in itself a sin. It may become so, as any other indifferent action may, but as an action it is no sin.
Together with hundreds of thousands of my fellow-Christians I have smoked, and, with them, I am under the condemnation of living in habitual sin, if certain accusers are to be believed. As I would not knowingly live even in the smallest violation of the law of God, and sin in the transgression of the law, I will not own to sin when I am not conscious of it.
There is growing up in society a Pharisaic system which adds to the commands of God the precepts of men; to that system I will not yield for an hour. The preservation of my liberty may bring upon me the upbraidings of many good men, and the sneers of the self-righteous; but I shall endure both with serenity so long as I feel clear in my conscience before God.
The expression “smoking to the glory of God” standing alone has an ill sound, and I do not justify it; but in the sense in which I employed it I still stand to it. No Christian should do anything in which he cannot glorify God; and this may be done, according to Scripture, in eating and drinking and the common actions of life.
When I have found intense pain relieved, a weary brain soothed, and calm, refreshing sleep obtained by a cigar, I have felt grateful to God, and have blessed His name; this is what I meant, and by no means did I use sacred words triflingly.
If through smoking I had wasted an hour of my time—if I had stinted my gifts to the poor—if I had rendered my mind less vigorous—I trust I should see my fault and turn from it; but he who charges me with these things shall have no answer but my forgiveness.
I am told that my open avowal will lessen my influence, and my reply is that if I have gained any influence through being thought different from what I am, I have no wish to retain it. I will do nothing upon the sly, and nothing about which I have a doubt.
I am most sorry that prominence has been given to what seems to me so small a matter—and the last thing in my thoughts would have been the mention of it from the pulpit; but I was placed in such a position that I must either by my silence plead guilty to living in sin, or else bring down upon my unfortunate self the fierce rebukes of the anti-tobacco advocates by speaking out honestly. I chose the latter; and although I am now the target for these worthy brethren, I would sooner endure their severest censures than sneakingly do what I could not justify, and earn immunity from their criticism by tamely submitting to be charged with sin in an action which my conscience allows.

Yours truly,

C. H. SPURGEON.

Nightingale Lane, Clapham, Sept. 23.

Source: http://www.spurgeon.org/misc/cigars.htm

Next…

G.K. Chesterton, Catholic Apologist and author of "Father Brown Stories"

G.K. Chesterton, Catholic Apologist and author of “Father Brown Stories”

G.K. Chesterton. Dating Anglican nag-convert sa pananamapalatayang Katoliko. Marami rin siyang isinulat. Isa sa mga paborito ko eh yung Father Brown Stories (parang Sherlock Holmes). Marami rin siyang isinulat na libro na nagtatanggol sa pananamapalataya (Apologetics)

Kaso cigarette ang ini-smoke niya. Yuck! Abomination the art of smoking! Haha!

Ilan lang sila sa mga taong tinitingala ng mga Kristiyano.

Kaya yung mga protestante, hindi nila pwedeng sabihin na ang mga Katoliko mabisyo. Ano ba ang bisyo? Di ba ito yung sobra-sobra? Kaya para hindi sobra kailangan ng TEMPERANCE.

The virtue of temperance disposes us to avoid every kind of excess: the abuse of food, alcohol, tobacco, or medicine. Those incur grave guilt who, by drunkenness or a love of speed, endanger their own and others’ safety on the road, at sea, or in the air. (Catechism of the Catholic Church #2290)

Saka protestante sina C.S. Lewis at Charles Spurgeon.

Gaano Kadalas Mag-Smoke?
Ayon sa mga expert ang 4-5 na pipeful of tobacco everyday, at 4-5 cigars a day ay nagdudulot ng cancer sa lalamunan at sa bibig. Kaya para hindi tamaan ng cancer, once or twice a week pwede na. Bukod dun para na rin makatipid. Mahal ang tabako.

At dahil minsanan lang smoking ko, ine-enjoy ko ito ng husto. Dahan-dahan at unti-unti. Marami tayong hindi nae-enjoy na bagay sa pagmamadali.

At marami tayong hindi nae-enjoy dahil masyado na tayong sanay sa bagay na yun dahil paulit-ulit at palagiang ginagawa.

Masama ba?
Masama ang smoking kung sobra, masama sa katawan at sa espirituwal (mahirap sumamba sa Diyos kung dispalinghado ang katawan).

Masama din ito kung halimbawang may iba ka pang mas dapat iprioritize na pagkakagastusan pero inuna mo pa ang pagbili ng tabako. Halimbawa e may anak ka at imbes na ipambili ng gatas ang pera eh inuna pang bumili ng tabako. Mali ang priority.

So eto na, palagay ko naipaliwanag ko na kung bakit ako nagi-smoke.

Uulitin ko lang, HINDI ANG MGA SMOKERS ANG PINAKAMASASAMANG TAO SA MUNDO.

It’s a matter of choice.

It’s my choice at wala akong nilalabag na aral ng Simbahan o ng Biblia.

Iiwan ko lang ang isang quotation mula kay Johann Sebastian Bach tungkol sa pipe smoking…

On land, on sea, at home, abroad,
I smoke my pipe and worship God.

 
4 Comments

Posted by on January 5, 2013 in Cigar Smoking, Pipe Smoking

 

RH Bill at Sin Tax Bill….anong napapansin mo?

Nitong mga nakaraang buwan may sumisikat na dalawang bill. (Actually taon na yung isa)

Yung RH Bill at Sin Tax Bill.

Yung isa sagot daw sa kahirapan. Yung isa naman e para maiwasan ang sakit na kanser at makalikom ng pondo ang gobyerno.

Pero may ilang bagay lang akong napansin sa dalawang bill na ito.

Una, ang paninigarilyo daw ay nakaka-lung cancer kaya tataasan ang buwis PERO yung contraceptive pills na inamin ng DOH na nakaka-breast cancer e gustong ipamigay ng LIBRE?!?!

Pangalawa, marami akong nababasang komentarista na galit sa manufacturers ng sigarilyo, kasi sila lang daw ang yumayaman sa negosyo nila. Yun kayang manufacturers ng contraceptives hindi yayaman sa RH Bill?

Pangatlo, yung RH bill daw ay para sa mahihirap. Ito daw ang solution sa kahirapan: ang pamimigay ng libreng contraceptive. Yung sin tax bill naman, kapag naipasa, maraming magsasaka sa Norte ang maapektuhan at posibleng mawalan ng trabaho, natural magbabawas ng tao para makamenos sa gastusin ang mga negosyante. Anong gagawin ng gobyerno kapag nawalan sila ng trabaho at wala nang makakain, bibigyan sila ng condom at pills?

Hindi ako nagi-smoke ng sigarilyo.
Pipe oo, art kasi yun. And pipe smoking is a hobby, not a habit.

Pareho ngang tabako ang nasa sigarilyo at pipe pero malaking malaki ang pagkakaiba nitong dalawa. (Sa ibang article ko na ipapaliwanag yung pagkakaiba ng dalawa)

At hindi rin naman ako sang-ayon na may mga kabataang naninigarilyo.

Pero nagtataka lang talaga ako….kase…

DOUBLE STANDARD SILA SA DALAWANG BILL NA YAN.

Pansin mo din ba?

 
4 Comments

Posted by on November 25, 2012 in RH BIll

 

Tags: ,

Paskong Summer

Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawat damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langit.
Himig Pasko’y laganap
Mayro’ng sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubos ang kasiyahan
Himig ng Pasko’y umiiral
Sa loob ng bawat tahanan
Masaya ang mga tanawin

May awit ang simoy ng hangin.

Noong bata pa ako, noong hindi pa masyadong sikat yung Global Warming, kapag dumarating ang “ber months” e nagsisimula nang lumamig.

At nagsisimula na ring patugtugin sa mga radyo yang kanta na yan sa itaas.

Sa tuwing naririnig ko yan noon, kasabay ng pagdampi sa aking balat ng malamig na hangin, para akong ipinaghehele.Ramdam na nga ang “himig ng Pasko”.

Pero ngayon…

Grabe, parang summer. Hindi na bagay yung kanta sa temperatura ngayon. Dahil sa Global Warming. Meron ngang nagsasabi kung minsan, “Ang init, PARANG HINDI MAGPAPASKO.”

PARANG HINDI MAGPAPASKO?

Pag hindi lumalamig ang panahon wala na  yung “himig ng pasko”? Wala na yung “awit ng simoy ng hangin”? Minsan nga ganun ang mararamadaman natin, lalo kung inabot pa natin yung panahon na malamig ang “ber” months.

Pero isang bagay lang ang sigurado

KAHIT MAGING SUMMER MAN ANG “BER MONTHS” TULOY NA TULOY ANG PASKO…

DAHIL KAY KRISTO.

 
Leave a comment

Posted by on November 24, 2012 in Uncategorized

 

Tags:

Pipe Smoking Poem

by Johann Sebastian Bach

Whene’re I take my pipe and stuff it
And smoke to pass the time away,
My thoughts as I sit there and puff it,
Dwell on a picture sad and grey:
It teaches me that very like
Am I myself unto my pipe.
Like me, this pipe so fragrant burning
Is made of naught but earth and clay;
To earth I too shall be returning.
It falls and, ere I’d think to say,
It breaks in two before my eyes;
In store for me a like fate lies.
No stain the pipe’s hue yet doth darken;
It remains white. Thus do I know
That when to death’s call I must harken
My body too, all pale will grow
To black beneath the sod ’twill turn.
Or when the pipe is fairly glowing,
Behold then, instantaniously,
The smoke off into thin air going,
Till naught but ash is left to see.
Man’s frame likewise away will burn
And unto dust his body turn.
How oft it happens when one’s smoking:
The stopper’s missing from the shelf,
And one goes with one’s finger poking
Into the bowl and burns oneself.
If in the pipe such pain doth dwell,
How hot must be the pains of Hell.
Thus o’er my pipe, in contemplation
Of such things, I can constantly
Indulge in fruitful meditation
And so, puffing contentedly,
On land, on sea, at home, abroad,
I smoke my pipe and worship God.

 
Leave a comment

Posted by on November 21, 2012 in Pipe Smoking

 

Tags: