RSS

Category Archives: RH BIll

RH Bill at Sin Tax Bill….anong napapansin mo?

Nitong mga nakaraang buwan may sumisikat na dalawang bill. (Actually taon na yung isa)

Yung RH Bill at Sin Tax Bill.

Yung isa sagot daw sa kahirapan. Yung isa naman e para maiwasan ang sakit na kanser at makalikom ng pondo ang gobyerno.

Pero may ilang bagay lang akong napansin sa dalawang bill na ito.

Una, ang paninigarilyo daw ay nakaka-lung cancer kaya tataasan ang buwis PERO yung contraceptive pills na inamin ng DOH na nakaka-breast cancer e gustong ipamigay ng LIBRE?!?!

Pangalawa, marami akong nababasang komentarista na galit sa manufacturers ng sigarilyo, kasi sila lang daw ang yumayaman sa negosyo nila. Yun kayang manufacturers ng contraceptives hindi yayaman sa RH Bill?

Pangatlo, yung RH bill daw ay para sa mahihirap. Ito daw ang solution sa kahirapan: ang pamimigay ng libreng contraceptive. Yung sin tax bill naman, kapag naipasa, maraming magsasaka sa Norte ang maapektuhan at posibleng mawalan ng trabaho, natural magbabawas ng tao para makamenos sa gastusin ang mga negosyante. Anong gagawin ng gobyerno kapag nawalan sila ng trabaho at wala nang makakain, bibigyan sila ng condom at pills?

Hindi ako nagi-smoke ng sigarilyo.
Pipe oo, art kasi yun. And pipe smoking is a hobby, not a habit.

Pareho ngang tabako ang nasa sigarilyo at pipe pero malaking malaki ang pagkakaiba nitong dalawa. (Sa ibang article ko na ipapaliwanag yung pagkakaiba ng dalawa)

At hindi rin naman ako sang-ayon na may mga kabataang naninigarilyo.

Pero nagtataka lang talaga ako….kase…

DOUBLE STANDARD SILA SA DALAWANG BILL NA YAN.

Pansin mo din ba?

Advertisements
 
4 Comments

Posted by on November 25, 2012 in RH BIll

 

Tags: ,