RSS

Monthly Archives: April 2013

Palabas

Minsan…

May nakasalubong akong isang kaibigan. Halatang nagmamadali. Tumatakbo siya at pawisang pawisan. Pero dahil matagal na kaming hindi nagkikita, kinumusta ko siya. Pansamantala siyang tumigil para makipag-usap sa akin.

Ganito ang naging usapan namin….

Berto: Uy pare! Musta na? Tagal na nating di nagkikita ah. Ano balita?

Kaibigan: Ok lang. Pare, next time na tayo mag-usap. Nagmamadali ako.

Berto: Bakit? Mukhang may hinahabol ka ah.

Kaibigan: Oo, meron nga. May hinahabol akong palabas.

Berto: Palabas? Aba, mukhang maganda yan ah. Anong palabas yan?

Kaibigan: Palabas p’re….

palabas na yung tae ko!!!!

(Hahaha!! Pasintabi po sa mga kumakain)

 
2 Comments

Posted by on April 18, 2013 in Trip Lang

 

Tulo

Tulo…

Marami nang tinamaan nito sa lugar namin.

Lalake at babae.

Matanda.

At kahit pa nga bata tinamaan din.

May mga gumawa ng paraan para umiwas pero tinamaan pa rin.

Kahit pa yung may saplot tinamaan.

Tulo…

Sinubukan ko rin mag-ingat.

Umiwas ako.

Pero….

…tinamaan pa rin ako.

Nakakabadtrip.

BAKIT BA KASI GINAGAWANG SAMPAYAN ANG MGA KABLE SA GITNA KALYE!?!?!

 
6 Comments

Posted by on April 17, 2013 in Trip Lang