RSS

Monthly Archives: March 2013

Papatayin ka ng sigarilyo…weh?

Smoking Kills

Mr. McLaren, a rodeo rider, actor and Hollywood stuntman, was one of several dozen models hired in 1975 to appear in Marlboro ads, evoking a tough and handsome smoker’s image for the brand.

Wayne McLaren, a former “Marlboro Man” who developed lung cancer and became an anti-smoking crusader, died at the age of 51.

“Some of his last words were: `Take care of the children. Tobacco will kill you, and I am living proof of it,’.

Source: Trivia Mania, Nov. 7,2012

Smoking Kills daw…

Tobacco will kill you daw…

May nakita ka na bang nagsigarilyo ng isang stick tapos mayamaya patay na?

Ako kasi wala pa.

Hindi naman kasi talaga yung sigarilyo o tabako ang pupumatay sa tao kundi ang sarili niya. Ang tao ang gumagawa ng habit niya, ng smoking habit niya. Kakailanganin ng maraming sigarilyo sa loob ng mahabang panahon bago ka magkaroon ng lung cancer.

Yung mga dating chain smoker na nagsasabing “Papatayin ka ng sigarilyo” dahil tinamaan sila ng kanser sa baga ay mga iresponsableng tao. Maanong aminin na lang na adik siya sa sigarilyo kaya siya nagkaroon ng kanser sa baga.

Kung halimbawang diabetic ka, sisisihin mo ba ang asukal sa pagkakaroon mo ng diabetes? Di ba kadalasan ng nagkakaroon ng diabetes e mahilig sa matatamis? (Ibang kaso syempre yung namana). Sinong responsable? Yung asukal?

Ganun din sa kaso ng mga naninigarilyo.

Sino ba kasing nagsabi na dapat minu-minuto may napasalpak na sigarilyo sa bunganga mo? Wala.

Sinabi ba ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation na minu-minuto kang manigarilyo? Hindi.

Kasi sariling desisyon yan ng isang tao kung kailan siya maninigarilyo o kailan hindi.

Minsan may kakilala akong cigarette smoker. Tumigil na siya noon sa paninigarilyo. Pero kamakailan lang nakita ko siya ulit na naninigarilyo. Tinanong ko siya, “Di ba tumigil ka na sa paninigarilyo?”. Sumagot siya, “Oo, kanina tumigil ako, tinapon ko pa nga yung sigarilyo eh.” Pag nagkasakit ba siya, kasalanan ba yun ng sigarilyo? Syempre hindi. Kasi siya naman ang gumawa nun sa sarili niya eh.

Sa kaso naman ni Mr. McLaren, kinuha kasi siya ng Marlboro na magpatalastas ng kanilang produkto. E kailangan ba talaga pag magpapatalastas ka ng produkto e minu-minuto tinatangkilik mo? Maraming artista nagpapatastas ng kung anu-anong produkto pero hindi palaging yuon ang kinakain, iniinom, isinusuot o ginagamit (depende kung anong produkto yun) nila.

Ang problema, masyado niyang pinangatawanan yung pagpapatalastas ng produkto.

(Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mr. McLaren)

Mabuting ‘wag ka nang manigarilyo.

Kaya lang kung maninigarilyo ka siguraduhin mong responsable ka sa sarili mong desisyon. Hindi yung maghahanap ka ng sisisihin mo pagdating ng araw.

(Isinulat ni Berto, sa saliw ng umuusok na tabako sa ‘king pipa, na walang ibang responsable kundi ako. I don’t smoke cigarettes, YUCK!)

**************************

Ibang article na may kinalaman sa smoking:
Kristiyanong Smoker

 
Leave a comment

Posted by on March 22, 2013 in Cigarette Smoking

 

Estupidyante

Tulad ng araw-araw niyang ginagawa, maagang gumising si Kristoffer para maghanda sa pagpasok sa paaralan. Nag-aaral siya ng kursong engineering sa isang sikat na university sa Maynila. Hindi naman talaga malayo ang bahay nila sa pinapasukan niyang universtiy. Gumigising lang talaga siya ng maaga para mayroon siyang mahabang oras sa paghahanda. Lalo na sa pag-aayos (pagggugulo) ng buhok niyang nalulunod sa wax.

Ginawa niya ang araw-araw na ginagawa niya bilang paghahanda sa pagpasok sa paaralan. Kumain ng agahan, naligo, nagsepilyo, nagpabango…at syempre, naglagay ng wax sa buhok at inayos (ginulo?) ito.

Araw-araw din na makintab ang sapatos niya na gabi-gabi niyang nililinisan kahit walang pasok kinabukasan para naman (daw) maging kagalang-galang siya. Hindi pa man kasi siya nakakatapos ng kursong engineering, engineer na ang tingin niya sa sarili niya. At kahit hindi man magsalita, halata sa kilos at galaw niya na ipinagmamalaki niya ang kursong kinukuha niya..at ang sikat na university na pinapasukan niya.

At syempre, sinuot niya ang kanyang itim na islaks na pantalon, at polong plantsado na may patch ng sikat na university na pinapasukan niya.

Suot ang kanyang bag at ID, bitbit ang kanyang T-square at tube na lalagyan ng plates, lumabas siya ng kanilang bahay.

Sa paglalakad niya sa kanilang lugar,papunta sa sakayan ng jeepney marami ang tumitingin sa kanya. Dahil bagong lipat lang sa lugar, wala pa siyang masyadong kakilala at ka-close sa lugar kaya wala siyang binabati…at wala rin namang bumabati sa kanya. Tinitignan lang siya. At dahil gusto niyang ipagmalaki na engineering ang kurso niya at nag-aaral siya sa isang sikat na university sa Maynila, mas matikas pa ang ginawa niyang paglalakad.

“Edukado akong tao”, sa isip-isip niya.

Pero nakatingin lang sa kanya ang mga kapitbahay niya na nadaanan niya…

…at tumawa nung nakalayo na siya.

Sa jeepney. Matanda na ang driver. Kakaunti lang silang pasahero. At walang estudyante ng anumang paaralan siyang nakasakay.

Nasa dulo siya ng jeepney nakapwesto. Hulihang bahagi ng sasakyan.

“Manong, bayad po”, sabi ni Kristoffer sabay abot ng sampung piso na iniabot naman sa driver ng isang aleng kasakay niya.

“Eto sukli oh! Pakiabot na lang po!”, sabi naman ng mamang driver. At iniabot naman ulit ng ale kay Kristoffer ang dalawang pisong sukli.

“Manong, estudyante lang po yung sampu”, sabi ni Kristoffer.

Patuloy lang sa pagmamaneho ang driver na di yata narinig ang kanyang sinabi. Di rin naman pinansin ng ibang pasahero ang sinabi niya. Nagsimula nang uminit ang ulo niya pero naghintay pa siya ng ilang sandali  bago ulitin…”Manong, estudyante lang po yung sampu. Kulang pa ho ng piso.”

Pero patuloy pa rin ang mamang driver sa pagmamaneho.

Dumating siya sa destinasyon na bababaan niya. At tiyempo namang nagsibabaan din ang lahat ng pasaherong kasakay niya sa jeepney.

Dito nagsalita na si Kristoffer, malakas ang boses, “Putang ina naman manong, di niyo ba nahahalatang estudyante ako?!?! Nakauniporme ako oh! May ID at Bag ako! Di ba obvious na estudyante ako? Tang-ina kanina pa ako sigaw ng sigaw na kulang yung sukli e. Style ninyong mga driver bulok. Kunwari di naririnig ang pasahero. Putang ina! Pweh!”

Nilingon siya ng pobreng driver. Ibinigay kay Kristoffer ang pisong kulang sa sukli niya. Para wala nang argumento, para matapos lang ‘to.

Bumaba si Kristoffer na mainit ang ulo. Pabulong-bulong, pamura-mura. Salita ng salita sa sarili niya.

“Putang ina! Buwisit! Alam nang estudyante ako eh, kulang ang isusukli. Akala niya maiisahan niya ako. E nilalaro ko lang ang Mathematics. ‘Tang inang yan! Engineer ‘to! Di niya ko pwedeng gaguhin. Putang ina, matanda na di pa marunong magbilang.”

At marami pang ibang salita na hawig niyan.

Pagdating niya sa sikat na university sa Maynila na pinapasukan niya…

“Bakit sarado ang school?”, nagtatakang tanong ni Kristoffer sa gwardiya na di niya alintana ang laki ng agwat ng edad sa kanya.

“Boss, HOLIDAY HO NGAYON”. Sagot ng gwardiya.

Napalunok si Kristoffer at pinagpawisan ng malamig. Nagbalik sa kanyang alaala lahat ng nangyari kanina at napabulong ng…

“Nawala sa isip ko na….”


(Gawa-gawa ni Berto, Marso 7, 2013…..subok lang, nangangarap maging manunulat eh.)

 
7 Comments

Posted by on March 7, 2013 in (Parang) Maikling Kwento